First time ko manuod ng ganitong film kung saan tungkol sa isang batang may kapansanan. Ang pamagat nito ay Taare Zameen Par, reissued as Like Stars on Earth, a Hindi film. Sa aking napanuod, lubusan ako nalulungkot dahil sa nararanasan ng bata sa mga taong nakapaligid sa kanya. Di ko lang maintindihan din kung bakit sinasaktan din siya ng tatay niya na kung sino pa dapat makaintindi sa kanya ng lubusan. Naiyak ako nung ipinasok na siya sa bago niyang school dahil nga bata pa ito mas kailangan niya yung suporta at pag iintindi sana ng mga mahal niya sa buhay. Sa akin lang, sana mas mahalin pa natin ang mga batang katulad ni Ishaan. Minsan o madalas kung sino pa normal yun pa yung kulang sa pagiintindi at lagi nauuna ang panghuhusga. Iwasan sana natin manghusga ng kapwa kasi kung isipin mo tayo yung nasa katayuan nung bata, ay baka maloka tayo lalo. :) Pero naniniwala ako na lahat ng nangyayari ay may dahilan, tulad ng batang si Ishaan, iba kasi siya may tinatago kasi siyang talento na wala tayo, yun bang malayo ang iniisp niyang mangyari sa totoong buhay pero dahil sa mga ganun nakakagawa siya ng kakaibang sining na kahanga-hanga talaga. Mahalin natin yung mga gantong tao, pahalagahan natin kasi sobrang kailangan nila ito. Ipakita natin yung kahalagahan nila sa mundo kahit na madalas makulit sila. Minsan dahil din sa kanila mas marami tayong nagagawang kabutihan, lalong-lalo na yung pagtulong , yung bukal sa kalooban mo na tulungan siya at di mo rin namamlayan na mas masaya ang tumulong kaysa manghusga o manakit ng kapwa lalong-lalo na di mo naman kadugo. Ang saya lang na kahit may isang tao lang nakaintindi sayo o naniniwala kakayahan mo ay "OK NA YUN", yun bang tulad ni art teacher ni Ishaan na si Akshaye Khanna. Sana mas marami ang gantong tao at dumami pa lalo para masaya. Nakakatuwa si Ishaan dahil sa mga kinikilos niya, yung ginagaya niya mga taong nasa paligid niya, yun bang marami siyang tanong sa lahat ng bagay, tas madalas palpak pero nakikita natin na masaya siya, natutuwa ako sa mga ganun gusto ko siyang maging friend kasi alam kong mapapasaya niya ko sa mga ginagawa niya. Bigyan lang natin ng oras ang mga gantong special na tao, wag natin sila madaliin na kailngan alam nila to, makuha nila to agad-agad, yung sasaktan mo pa! Hindi nila yun maiintindihan mas lalo pa sila matatakot, tayong mga normal ang dapat na makaintindi sa kanila. Sana mas marami pang gantong uri ng movie at sana mas marami pang makanuod nito para maintindihan din yung buhay ng isang special child at makagawa rin ng tama kahit papano, at mapalawak pa yung kaisipan natin. |